"Sa tingin mo, magbreak na lang kaya tayo?"
tik.tik.tik.tik..
Ang panaginip na yun, hanggang ngayon napapanaginipan ko parin. Parang bang.. yun na yung naging alarm clock ko para magising ako ng maaga. Kaso.. hanggang ngayon yun parin ang dahilan kung bakit hindi ko magawang magmove on.
Hanggang ngayon.. naaalala ko parin ang lahat. Lahat ng alaala. Mahal ko parin siya. At nagsisisi ako na pinakawalan ko siya.
Kaya sinundan ko siya, pumasok ako sa school na pinapasukan niya. Gusto kong subukan. Gusto kong makita siyang muli. At kung sakali.. gusto kong makipagbalikan sa kanya. Mahal ko parin talaga siya.
Gusto kong maging akin muli siya.
Kaso.. mukhang imposible na yun. Dahil may boyfriend na siya sa kasalukuyan.
Alam ko wala parin akong pag-asa kahit na nasa iisa kaming grupo ng magkakaibigan. Nag-uusap kami, pero hindi na gaya noon. Para bang.. kinakausap lang niya ako dahil may kailangan siya at kung dapat lang. Mahirap sakin. Pero okay lang.. mas mabuti na to kesa sa malayo ako sa kanya. Hanggang sa magkalabuan na sila ng boyfriend niya. Akala ko maaari na akong gumalaw. Na chance ko na yun. Na siguro nga may chance na maging kami pa.
Masaya siya dun sa boyfriend niya. Pero hindi ako masaya para sa kanila.
Gusto kong ibalik ang nakaraan..
Pero paano?